Friday, December 21, 2018

Sipag at Tiyaga ang Susi ng Tagumpay ( Talambuhay ni Henry Sy Sr. )



Noong ika - 25 ng Disyembre 1924 si Henry Sy Sr. ay ipinanganak sa Xiamen China. Siya ang anak nina Henry H. Sy at Tan O Sia. Siya ay isang Chinese - Filipino na negosyanteng pinangunahan ang pagtatag ng SM Malls. Siya din ang Presidente ng SM Prime Holdings. Siya ang itinaguriang pinakamayaman sa Pilipinas.

Si Henry ay lumaking dumanas ng tinding hirap. Siya ay determinadong tao at masipag . Nagtatrabaho siya araw at gabi upang matustusan ang kanyang pag-aaral. Nagtapos siya ng high school sa Chiang Kai Shek College at nagtapos ng Associate at Arts sa Far Eastern University. Hindi madali na maabot niya ang posisyon niya ngayon. Maraming pagsubok ang kanyang pinagdaanan sa buhay.

Nagsimula si Henry sa sariling tindahan ng kanyang pamilya. Kahit siya'y estudyante , tinutulungan parin niya ang kanyang mga magulang sa pagbebenta ng mga produktotulad ng kendi. Mas pinili niya ang magtinda dahil nakahanap siya ng ligaya sa pagtitinda. Sa kasawiang palad nasira ang kailang tindahan dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Lumuwas siya sa Estados Unidos upang makahanap ng mga produktong maari iyang ibenta at doon na niya naisip na gumawa ng sariling negosyo at bumalik sa Pilipinas.

Itinatag ni Hnery Sy ang isang maliit na tindahan ng sapatos sa Quiapo , Manila noong 1958 at pinangalanganang SM o Shoe Mart. Noong Nobyembre 1972 ang kanyang maliit na tindahan ng sapatos ay naging SM Quiapo ,  ang unang SM Department Store. Itinatag niya ang kanyang unang SM Supermall ,  ang SM City North Edsa noong Disyembre 25 , 1985. Hindi lamang siya ang Presidente ng mga Prime Holdings. Siya rin  ang nagmamay-ari ng SM Investments Corporation  , Banco de Oro Universal Bank , Belle Corporation at Highlands Prime Inc.

Dahil sa kanyang kasipagan at galing maraming parangal ang natanggap niya. Kagaya ng mga Management Man of the Year by Makati Business Club - 1999 .  , Honorary Doctorate in Business Management by De La Salle University in January 1999. , 1st Chinese-Filipino resipient of the PCE Big 1st Chinese. , Filipino recipiet of the PRA President's Award (2005) at maramipang iba.

No comments:

Post a Comment